Sinuspinde ng National Food Authority (NFA) ang walong rice retailer na accredited ng ahensiya sa Bicol Region dahil sa iba’t ibang paglabag, kabilang ang overpricing at pagtangging magbenta ng bigas.

Tinukoy ang Presidential Decree No. 4, sinabi ng NFA na sinuspinde nito ang walong rice retailer dahil sa overpricing, pagsira sa bigas at pagtangging magbenta ng NFA rice.

Ibinaba ang suspensiyon matapos madakip ng NFA monitoring team ang mga suspek sa isinagawang routine inspection sa mga accredited outlet sa rehiyon. Ayon sa ahensiya, nagsamantala ang mga nasabing outlet kahit pa katatapos lang manalasa ang bagyong ‘Glenda’ sa rehiyon.

Ang lahat ng lumabag ay ipatatawag at iimbestigahan at kapag napatunayang nagkasala ay mahaharap sa mga kasong administratibo o kriminal bukod pa sa makakansela ang lisensiya, ayon sa NFA.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tiniyak naman ni NFA Administrator Arthur na patuloy na magsasagawa ang ahensiya ng masusing monitoring sa kalakalan ng bigas sa palengke upang masigurong ang de-kalidad at nasa P27 (regular milled) hanggang P32 (well-milled) kada kilo na NFA rice “will always be made available to the country’s low-income consumers anywhere in the country at all times.” - Ellalyn B. De Vera