NEW YORK (AP)– Binawas mula sa U.S. men’s national team sina John Wall, Bradley Beal at Paul Millsap, ayon sa isang source na may alam sa mga detalye, upang paiksiin ang roster sa 16 players. Sa pagkawala ni Paul George dahil sa nabaling kanang binti, kakailanganin ng Americans na magtanggal ng apat pang manlalaro bago magumpisa ang World Cup of Basketball ngayong buwan sa Spain.

Ginawa ng Americans ang pagbawas na una nang pinlano noong nakaraang Sabado, ngunit ipinagpaliban matapos magtamo si George ng injury, sabi pa ng source na humiling na huwag pangalanan dahil ngayong araw pa lamang iaanunsiyo ang roster moves.

Una itong ibinalita ng Yahoo Sports.

Ang mga nananatili sa roster pool ay sina Kevin Durant ng Oklahoma City, Derrick Rose ng Chicago, Kyrie Irving ng Cleveland, Anthony Davis mula New Orleans, Stephen Curry at Klay Thompson mula Golden State, James Harden ng Houston, Kyle Korverng Atlanta, DeMarcus Cousins ng Sacramento, Chandler Parsons ng Dallas, Gordon Hayward ng Utah, DeMar DeRozan ng Toronto, Damian Lillard mula Portland, Kenneth Faried ng Denver, Andre Drummond ng Detroit, at Mason Plumlee ng Brooklyn.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sila ay dadalo sa pagsasanay sa Chicago na magsisimula sa Agosto 14.

Sina Wall at Beal, magkakampi sa Washington, ay bahagi ng crowded backcourt na malalim sa point guard. Si Millsap, ang All-Star forward ng Atlanta, ang huling manlalaro na isinama sa roster ng players na naimbitahan sa training camp sa Las Vegas.

Nagtamo ng injury si George sa kasagsagan ng isang intraquad exhibition noong Biyernes at maaaring lumiban ang Indiana Pacers All-Star forward sa kabuuan ng 2014-15 season.

Hindi naman iniisip ni coach Mike Krzyzewski na ang nasabing injury ay magiging sanhi upang mag-alinlangan ang mga player na maglaro para sa pambansang koponan.

‘’I really believe that the players will still want to play and will want to serve their country and get better and be part of an experience that only a few get a chance to be a part of,’’ aniya sa isang panayam sa Sirius XM NBA Radio