CABANATUAN CITY – Dahil sa halos araw-araw na pag-ulan dulot na rin ng mga bagyong magkakasunod na pumasok sa bansa, bahagyang umangat ang water level sa Angat Dam, ayon sa isang hydrologist.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang tubig sa dam ay umangat sa 174.20 metro mula sa 172.07 metro noong Sabado.

Bahagya ring tumaas ang tubig sa iba pang dam sa Luzon: Ambuklao Dam, 743.16 metro mula sa 742.07 metro noong Sabado; Binga Dam, 574.35 metro mula sa 573.46 metro; San Roque Dam, 239.19 metro mula sa 238.36 metro; at Pantabangan Dam, 182.78 metro mula sa 187.37 metro. - Light A. Nolasco
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya