Julie Anne San Jose

MULING maghahatid ng excitement ang GMA Network sa fans ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa pamamagitan ng launch ng ‘Sing with MyJAPS’ music video promo na tatagal hanggang Agosto 22.

Pagkatapos ng matagumpay na release ng pangalawang album ni Julie Anne na Deeper, inilulunsad ng GMA Network ang isang promo para sa lahat ng Kapuso fans na kinagigiliwan ang kanyang bright pop at R&B music. Ang promo na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang maging bahagi ng music video ng hit carrier single ni Julie Anne na Right Where You Belong na isa sa mga laman ng kanyang pinakabagong album, na ipapalabas sa iba’t ibang programa ng GMA Network.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Inaanyayahan ang Kapuso fans, music lovers, at netizens na kumuha ng video ng kanilang sarili o ng ibang tao habang inaawit ang chorus ng Right Where You Belong gamit ang video camera o smart phone. Ang minus one ng chorus part ng nasabing single ay maaaring i-download sa YouTube.

Ang entries ay kailangang nasa MP4 format kapag ipinadala sa [email protected] kasama ang pangalan at address ng sender. Kinakailangan ding ilagay ang hashtag na SingWithMyJaps bilang subject ng email.