Arjo Atayde

TAWA nang tawa si Sylvia Sanchez sa kumakalat na nude picture ang anak niyang si Arjo Atayde at kita raw ang private part.

"How I wish siya ngayon, eh, kitang-kitang hindi, kasi ang ganda-ganda ng katawan, ang ganda ng abs, ilang packs' yun, eh, ang katawan ni Arjo, puro baby fats. 'Yun nga ang pinag-aawayan naming mag-ina kasi tamad siya mag-gym, minsan sinisipag, lamanng gym, minsan naman tamad. Kaya hindi maganda katawan niya.

"May nagtanong na sa akinn' yan, siyempre tiningnan ko agad 'yung picture, eh, hindi nga anak ko. Sabi nga ni Arjo, 'sana raw 'wag tanggalin ang mukha niya sa picture para makitang maganda katawan niya, ha-ha-ha," masayang tinig ni Ibyang sa kabilang linya nang tawagan namin kahapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakakatuwa palang magkaroon ng isyu si Arjo kasi hindi nagagalit ang mommy niya, kumpara naman sa ibang magulang na hinahayblad na agad sa pagtatanggal sa anak kapag may ganitong intriga.

"Hindi naman kasi kami mahilig mag-react kaagad, Reggs, saka alam ko ang totoo, kasi si Arjo 'pag may nagawa na sa tingin niya alanganin siya, siya na mismo kaagad ang nagkukuwento, inuunahan na niya maski na noong nag-aaral pa' yan. Lahatng anak ko nagsasabi kapag may nagawa silang sa tingin nila hindi maganda, kaya ako kampante sa kanila," paliwanag ng aktres.

Hayan, maliwanag. Kaya sa mga gumagawa at nagpaplanong gawanng isyu si Arjo, eh, mag-esep-esep muna dahil tiyak hindi magtatagumpay.

Oo nga, nang hindi umubra ang pang-iintrigang bakla raw, ngayon naman nude photos. Ano kaya ang susunod?

Samantala, puring-puri ni Ibyang si John Lloyd Cruz sa set ng pelikula nilang The Trial kasama sina Richard Gomez at Gretchen Barretto. Napakabait at tahimik na tao raw.

"Kapag hindi siya kinukunan, nasa loob lang 'yan ng dreSSing room o tent at nagbabasa ng libro, mahilig magbasa ng libro si John Lloyd. Kung anu-ano, about life, business, marami, eh. Kapag kaming dalawa sa dressing room, nag-uusap naman kami, pero hindi madaldal, walang kuwentong anu-ano. 'Tapos balik na naman siya sa pagbabasa," paglalarawan ni Sylvia sa aktor.