Sarah Geronimo

AMINADO si Sarah Geronimo na may mga pagkakamali rin siya dahil tao lang din naman siya at hindi perpekto.

At sa edad 26, ngayon pa lang daw niya pinag-aaralan ang maging independent at pati na rin ang pakikipagrelasyon.

Sa estado ng buhay niya ngayon, nararamdaman pa rin niya ang pressure.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“I’m 26, nandoon ang pressure na parang kailangan ganito ka, you have to be independent and make your own decision at kaila¬ngan pa¬nindigan mo ‘yan, ganito… ganyan. Ang da¬ming nagsasalita sa utak ko.

“Kukuha ka rin kung ano ang pinaka-clear at kung ano ang dapat gawin sa Bible at sinasabi ng mga magulang mo. Pero siyempre, kailangan din na may sarili kang desisyon,” sabi pa ng pop princess.

Hindi itinaggi ng sikat na singer/actress na medyo late bloomer nga siya pagdating sa pakikipagrelasyon. Kailangan daw niyang matutong na magdesisyon para sa sarili pagdating sa pakikipagrelasyon.

Pero ano itong nabalitaan namin na kamuntik na naman daw magkaroon ng part two ang pagrerebelde ni Sarah sa magulang? Mabuti na lang daw at may nakikialam na isa sa malalapit sa pop princess.

Ipinarating ng isa sa sources namin na ang dahilan ng panibagong problema ay ang hindi pagsang-ayon ng mga magulang ni Sarah sa pagpunta sana ng dalaga sa Cebu kasama ang boyfriend na si Mateo Guidicelli.

May usapan daw kasi sina Sarah at Matteo na sasamahan ng una ang huli sa pagsali niya sa Ironman 70.3. Siyempre, very proud ang aktor na makakasama ang kasintahan na ayon pa sa source namin ay isa sa mga pinakasikat na showbiz celebrity para sa mga Cebuano.

Pero ayon sa source namin, medyo nahimasmasan naman daw agad si Sarah nang tumawag sa kanya ang isang taong malapit sa kanya.