Orlando, Leonardo

Ang balitang mababasa ng future generations sa leather-bound tomes na minarkahan ng gold-leafed letters na "LEGENDS" ay patuloy na nanganganak ng mga bago at exciting na anggulo. Yes, ang away sa Cipriani restaurant sa Ibiza noong Miyerkules ng umaga ng elfin warrior na si Orlando Bloom at ng goblin royalty na si Justin Bieber ay nakakaintriga na sa simula dahil tunog A-list ito.

Ayon sa mga naunang balita, hindi lamang naroon ang malalaking celebrities gaya nina P. Diddy at Leonardo DiCaprio kundi pumalakpak pa ang mga ito para kay Orlando sa pagsisikap nitong ilagay sa hulog si Justin.

Ngayon isang babae na naroon, ang 20-year-old Spanish model na si Anastasia Skolkova, ang nagsabi sa The Mirror na ang kasama sa dinner ni Orlando na si Leonardo ang maaaring nagpasimuno ng gulo sa hayagang pande-dedma sa pagpapansin naman ni Justin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Bieber said something to DiCaprio - I don’t know exactly what, because it was seven or eight metres away. Leo brushed his hands at him, like, I don’t care what you say. Yeah, he flicked him away,” ayon sa modelo.

Sa puntong ito, nagsimula ang gulo nang magalit si Orlando sa mga pinagsasabi ni Justin. Ngunit ipinunto ng Mirror na ang pauli-ulit na hindi pagpansin ni Leonardo sa presensiya ni Justin ang bagong anggulo sa nagsasanga-sangang balita.

Halimbawa sa Cannes festival kamakailan, nagpa-party nang shirtless sa isang nightclub si Justin at ipinadala ang kanyang mga tauhan sa kinauupuan ni Leonardo upang malaman kung nais ng superstar na makipag-"party" sa kanya.

“Justin was nodding and smiling in Leo's direction, but Leo just shook his head no and waved him off. He thinks Justin's a little twit,” saad sa mga balita.

HERO BLOOM

Samantala, sinabi ni Orlando na pinupuri siya sa kanyang "heroism" ng haters ni Justin sa pagsuntok sa pop star.

Ang bituin ng The Lord of The Rings, 37, ay nagpa-party kasama si Leonardo DiCaprio sa Lio Ibiza sa kabisera ng isla matapos ang insidente nitong linggo nang sabihin niya sa UK newspaper na The Mirror: “Everyone keeps telling me I’m their hero”.

Tila dedma na ang aktor sa nangyaring gulo, kahit na maraming fans sa Twitter ang nagpahayag ng suporta sa kanya, kabilang ang aktres na si Alyssa Milano, na isa sa mga nag-tweet ng hashtag na: "#TeamOrlando."

Ayon sa outlet patakbong sinalubong ng yakap ni Orlando si Leo, at sumigaw ng: “Aaaaaah! Maaaaate!”

Ang dalawa at sinasabing magdamag na nagsaya at inawit ang 1976 single ni Candi Staton na Young Hearts Run Free.

Samantala, ayon sa The Mirror, si Justin ay nakitang lumabas kasama ang kasama ang Victoria’s Secret model na si Shanina Shaik, gayundin ang mga kaibigang sina Zac Efron at Michelle Rodriguez, na nakitang nagbibilad sa araw at nag-jet ski sa buong isla kasama ang pop star.

Ipinahiwatig ng mga ulat na nagsimula ang away nina Justin at Orlando matapos ang mga bastos na pahayag ng Baby hitmaker tungkol sa ex-wife ng aktor, ang modelong si Miranda Kerr, na nakipagkaibigan kay Justin habang kasal kay Orlando.

Tila sumagot ang singer sa media scrutiny sa pagpaskil ng imahe ni Miranda sa Instagram, na sinundan ng litrato ni Orlando na tila umiiyak. Kalaunan ay binura din niya ang imahe.

Hindi namamatay ang tsismis ng love triangle, sa huling balita na si Orlando ay nakikipagkita sa Aussie na si Erica Packer, ang ex-wife ng bilyonaryong si James Packer, na iniulat na nakikipag-date naman kay Miranda. - The WIRE/Cover Media