Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbabasura sa kasong kriminal laban sa isa sa mga opisyal ng Sulpicio Lines na akusado sa paglubog ng MV Princess of the Stars sa karagatan ng Romblon noong 2008.

Ito ay makaraang ibasura ng Supreme Court 2nd Division ang petisyon na inihain ng mga kaanak ng mga namatay sa trahedya na hinihiling na baligtarin ang desisyon ng CA pabor kay Edgar Go, Vice President for Administration ng Sulpicio Lines.

Si Go ay kinasuhan sa korte ng Department of Justice (DOJ) ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries, at damage to properties.

Sa tatlong pahinang minute resolution na sinulat ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, kinatigan ng SC ang findings ng CA na walang probable cause para kasuhan si Go ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injuries at ang tanging pananagutan niya ay sa aspetong sibil.
National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko