Inigo & Piolo

SA Los Angeles pala nakatira ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo kasama ang mama at pamilya nito.

“Maayos na bata naman si Iñigo, siyempre teenager, the usual, makulit, malikot, pero mabait,” kuwento sa amin ng aming kamag-anak na naka-base sa LA.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Mahilig pala talagang sumali sa school play ang anak ni Piolo, kaya naman sikat ang bagets sa eskuwelahan nila at kaya hindi rin nagtaka ang mga nakakakilala na napasama na sa boy band si Iñigo, tulad na rin ng ibinalita ng tatay niya kamakailan.

Kuwento pa sa amin, nag-iisang anak lang si Iñigo ng mama niya at hindi raw ito nakipagrelasyon sa iba simula noong naghiwalay sila ni Piolo.

“Sa anak na lang ibinuhos lahat ang oras kaya tingnan mo, napalaki ng maayos si Iñigo, hindi napariwara. Alam mo naman dito sa Amerika ang mga ganyang edad, medyo sumasagot na sa magulang, nababarkada na at worst ay nagkakabisyo. Pero iba si Iñigo, maayos ang pagpapalaki kasi sa kanya ng mama niya.”

At siyempre itinanong namin kung ano ang itsura ng mama ni Iñigo.

“Simple lang, hindi naman artistahin pero alam mong maganda siya noong dalaga pa at may breeding naman. Buong pamilya naroon na, magkakasama sila,” sabi sa amin.

Bale ba, sa rami ng bahay ni Piolo sa Amerika ay hindi raw nakatira sa alin man sa mga iyon ang kanyang mag-ina.

“No, they don’t stay in Piolo’s house, the mom of Iñigo has her own place,” sabi sa amin.

Ano ang trabaho ng mama ng bagets, tanong pa namin.

“Not sure, pero mukhang may business,” sagot sa amin.

Sustentado ni Piolo ang anak kaya walang reklamo ang ina ng bagets.

E, teka, since wala naman palang nakarelasyon ang mama ni Iñigo mula noong naghiwalay sila ni Piolo, e, bakit hindi na lang balikan ng aktor ang nanay ng anak niya para mabuo ang pamilya nila?

Hmmm, hindi kaya sina Piolo at mama ni Iñigo sa ending lalo na’t common knowledge nang nangangarap magkaroon ng malaking pamilya ang aktor?

Anyway, nakagawa ng teen movie si Iñigo na ipalalabas na sa September 10. May titulo itong Relaks, It’s Just Pag-Ibig.