ATLANTA (Reuters)– Bumubuti na ang kondisyon ng isang Amerikanong doktor na nahawaan ng nakamamatay na Ebola virus habang nasa Liberia at dinala sa United States para gamutin sa isang special isolation ward, sinabi ng isang top U.S. health official noong Linggo.

Si Dr. Kent Brantly ay nakakalakad na habang inaalalayan, mula sa ambulansiya matapos siyang ilipad noong Sabado patungong Atlanta, kung saan siya ginagamot ng infectious disease specialists sa Emory University Hospital.

Si Brantly, 33, may dalawang anak, ay nagtatrabaho sa North Carolina-based Christian organization na Samaritan’s Purse. Nagtungo siya sa Liberia para tugunan ang pinakamalalang Ebola outbreak sa kasaysayan nang mismong siya ay kapitan ng sakit.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho