Agosto 5, 1621 nang itinataga ng ilang madreng Franciscan sa Pilipinas ang unang kumbento sa bansa, na tinawag na Convento de Santa Clara.

Ang kanyang superior, si Sor Jerónima de la Asunción, ay dumating sa Intramuros, Maynila kasama ang siyam pang madre, at nanuluyan sa bahay ni Doña Ana de Vera, ang kanilang benefactress.

Ang monasteryo ay tinawag na “the living death,” dahil ang lahat ng madreng pumasok dito ay basta na lang naglalaho, at hindi na muling nakita ng mga nasa labas. Gayunman tuwing misa at panalangin ng bayan, maririnig ang awit ng mga madre, ang natatanging senyales na sila ay buhay.

Ang kumbento ay binanggit ni Jose Rizal sa nobela niyang “Noli Me Tangere”, kung saan namatay si Maria Clara dahil sa panggagahasa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists