Isang mabigat na akusasyon ang ginawa ni University of the Philippines coach Rey Madrid laban sa game officials na tumakbo sa laban nila ng University of Santo Tomas noong nakaraang Sabado sa UAAP Season 77 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Inakusahan ni Madrid ng “point shaving” ang referees na tumawag sa laban kung saan natamo nila ang ikalimang dikit na panalo sa iskor na 57-73.

“I hope you put that out,” pahayag ni Madrid na nagsabing nahalata na niya ang ginagawa ng mga referee sa fourth quarter kung saan tinulungan umano ng mga ito ang UST na mailatag ang kanilang game-telling 20-0 run.

“It’s not hard to think malice kapag ganu’n,” ayon pa kay Madrid. “Kasi inabot pa nila, eh.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I would know kung ano ’yung plus na inaalagaan nila. Dinikit pa nila. Sinigurado nila. ’Yun yung unang pumasok sa akin,” dagdag pa nito sa katanungan sa kanya ng Spin.ph. “Mahirap magsabi kasi tinambakan na kami. Pero tinulungan, eh. Ang laki na nga, eh,” pagdidiin pa nito.

Ayon pa kay Madrid, ipaparating niya kay UAAP Commissioner Andy Jao ang lahat ng kanyang reklamo laban sa referees na galing sa Basketball Referees Association for Schools, Colleges, and Universities (BRASCU) na pinamumunuan ng kanyang dating coach sa UP na si Joe Lipa.