Agosto 4, 1900 nang isilang si Queen Mother Elizabeth, ang ina nina Queen Elizabeth II at Princess Margaret, sa London.

Isinilang na Elizabeth Angela Marguerite, siya ang asawa at Queen consort ni King George VI. Anak siya nina Claude George Bowes-Lyon, 14th Earl of Strathmore, Kinghorne; at Cecilia Cavendish-Bentinck, Countess of Strathmore. Nakilala siya bilang “Smiling Duchess” dahil buo ang kanyang loob.

Pumanaw si Queen Mother noong Marso 30, 2002, pitong linggo pagkamatay ni Princess Margaret. Sa edad na 101, siya ang pinakamatagal na nabuhay sa royal family ng Britain.
Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026