Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Jose” na tumatahak sa karagatan sa silangang bahagi ng bansa.
Paliwanag ng hepe ng weather forecasting department ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na si Rene Paciente, taglay ng bagyo ang hanging aabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso nitong 220 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito pakanluranhilagang- kanluran sa bilis na 11 kilometro kada oras.
Ang bagyong Jose, na pumasok sa PAR kamakalawa ng gabi, ay huling namataan sa layong 1,100 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Paglilinaw ng PAGASA, posibleng hindi tatama sa kalupaan ang bagyo pero mas lalapit pa ito sa bansa bukas, Martes.
Sa taya ng PAGASA, maaaring lumabas ito sa bansa sa Huwebes kung hindi ito magbabago ng direksyon. - Rommel P. Tabbad