Ni ELLAINE DOROTHY S. CAL
Tiniyak ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz sa mga overseas Filipino worker (OFW) na uuwi mula sa mga bansang napapagitna sa kaguluhan at magdedesisyong magtrabaho na lang sa bansa na tutulong ang Department of Labor and Employment (DoLE) para magkaroon ng pagkakakitaan ang mga ito.
“Job referral assistance is one of the services the DoLE offers under the Assist WELL Program, a package of comprehensive assistance and services to ensure that returning OFWs are immediately integrated in the mainstream of Philippine society,” sabi ni Baldoz.
“To our OFW, accessing the jobs at the Enhanced PhilJobNet is very easy. They only need to follow a simple step-by-step process,” dagdag ni Baldoz.
Ayon kay Bureau of Local Employment Director Dominique Rubia-Tutay, para magkaroon ng access sa Enhanced PhilJobNet System (E-PJN), kailangan lang buksan ng OFW ang www.phil-jobnet.dole.gov.ph.
Dapat na hanapin ang “find the right job” icon sa itaas na kanang bahagi ng website, isulat ang nais na trabaho o kumpanya at i-click ang “search”.
Hanapin din ng OFW ang “our services” icon sa ibaba, kaliwang bahagi at i-click ang “Job Orders (Overseas)”.
Makikita naman ng mga kumpanya o employer na rehistrado at accredited sa E-PJN ang master list ng mga naghahanap ng trabaho sa ibaba, kanang bahagi. Kailangan nilang gamitin ang kanilang username account (email address) at TIN upang ma-access ang profile ng mga manggagawa.
“We have many job opportunities for our OFWs here. Opportunities that will help them move forward in life; and aside from giving a boost in our
local economy, they will also have the chance to work while being with their families,” paghimok pa ni Baldoz sa mga OFW na manatili na lang sa bansa.