Sinimulan nang dasalin kahapon ng mga Katolikong Pilipino ang National Prayer for the Papal Visit, bilang bahagi ng paghahanda sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 2015.

Hinihikayat naman ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga Katolikong Pinoy na makiisa sa naturang natatanging panalangin na sinimulan kahapon, Agosto 1, hanggang sa Enero 14, sa bawat misa, bago ang post communion prayer.

Narito ang National Prayer for the Papal Visit:

“God of mercy and compassion, we come to you in our need and lift up to you our nation as we prepare for the apostolic visit of Pope Francis. (After every invocation we say together: Bless Your Church, Lord)

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

That we may be faithful to the Pope, the Vicar of Christ on Earth. (Bless Your Church, Lord!)

That we may be eager to meet and listen to Pope Francis. (Bless Your Church, Lord!)

That we may be compassionate with the poor and the needy. (Bless Your Church, Lord!)

That we may be merciful with the weak and the lost. (Bless Your Church, Lord!)

That we may humbly confess our sins and return to God. (Bless Your Church, Lord!)

That we may frequently and devoutly receive Holy Communion. (Bless Your Church, Lord!)

Let us pray.

God our Father, we are all Your children. Make of us a nation of mercy and compassion eager to meet Pope Francis.

Make us a nation of holiness and heroism through Christ our Lord. Amen.”

Bibisita ang Santo Papa sa bansa sa Enero 15-19, 2015 matapos magtungo sa Sri Lanka, na roon siya mananatili sa Enero 12-15.

Inaasahang bibisitahin ni Pope Francis ang ilang bahagi ng Metro Manila, at kukumustahin at magmimisa sa mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Eastern Visayas.