Hindi kumbinsido si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na para sa kapakanan ng bayan ang panibagong terminong ninanais ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sapat na ang isang termino para kay PNoy, lalo na at sa unang apat na taong panunungkulan nito sa bansa ay nakita naman ng mga mamamayan kung ano ang kaya at hindi niya kayang gawin.

Naniniwala rin si Cruz na diversionary tactic lamang ng pamahalaan ang naturang term extension upang makalimutan na ang mga isyu hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Development Assistance Program (DAP).

Nagtataka rin si Cruz kung paanong naisip ng pangulo na muling maluklok sa puwesto gayung patuloy sa pagbaba ang approval rating nito.

'Opo, lumindol!' DOST-Batangas nag-sorry sa naging paraan ng earthquake updates

Hindi lamang si Cruz ang unang nagpahayag ng pagkadismaya sa ikalawang termino dahil tutol rin dito ang ilang Obispo ng Simbahang Katoliko sa pangunguna na ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na nagsabing tutol siya sa Charter Change lalo na kung ang dahilan nito ay maling rason na tulad na lamang ng term extension ng pangulo at pagbabawas sa kapangyarihan ng Korte Suprema.