BALITA
MMDA, handa na vs transport strike sa Marso 6
Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa inaasahang sa ilulunsad na tigil-pasada sa Marso 6 hanggang Marso 12. Sa Facebook post ng ahensya, ipinaliwanag ni MMDA chairman Romando Artes, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Transportation...
₱190M asukal, frozen meat huli sa anti-smuggling drive sa Subic
Umabot sa ₱190 milyong halaga ng smuggled na puting asukal at karne ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales nitong Huwebes. Isinagawa ng BOC Port of Subic at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang operasyon...
Unan ng pasyenteng sakay ng nawawalang helicopter sa Palawan, natagpuan ng PCG
Natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unan ng pasyenteng sakay ng nawawalang helicopter na "Yellow Bee" sa karagatang sakop ng Balabac sa Palawan. Sa pahayag ng search and rescue team ng PCG, narekober nila ang sira-sirang kulay rainbow na unan 13.64...
Magnolia, pasok na sa quarterfinals--NorthPort, binira
Pasok na sa quarterfinals ang Magnolia Hotshots matapos patumbahin ang NorthPort, 129-109, sa 2023 PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Huwebes ng gabi. Humakot ng 28 points at 14 rebounds si Hotshots import Antonio Hester at sinundan ng 21 points ni Mark Barroca....
Karpintero, babae, patay nang barilin sa Quezon
LUCENA CITY, Quezon -- Patay ang 35-anyos na karpintero at 25-anyos na babae matapos barilin sa Barangay 6 dito noong Miyerkules ng gabi, Marso 1. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Carlo Leoparte, alias “Carlo,” at Charisse Daen, alias ‘’Ivy" na...
May matinding gulo? TVJ, puwedeng mawala sa 'Eat Bulaga', sey ni Cristy
Isiniwalat ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na maaaring mawala sa “Eat Bulaga” ang mga OG host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon dahil may ‘internal problem’ umano ang longest noontime show. Sa March 2 episode ng "Cristy Ferminute"...
Kabataan Partylist, hinikayat mga kabataan, estudyante na suportahan ang mga tsuper sa transport strike
"Kabataang estudyante at manggagawa ang pangunahing nakikinabang sa serbisyo ng mga tsuper. Di natin sila iiwanan.” Ito ang pahayag ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel sa kaniyang paghikayat sa mga kabataan at estudyante na suportahan ang mga jeepney driver...
Gov't, naglaan ng ₱4B fuel subsidy para sa mga PUV driver, magsasaka
Naglaan ng ₱4 bilyong fuel subsidy ang gobyerno para sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) at magsasaka. “As directed by President Ferdinand Marcos, Jr., this administration will continue providing fuel subsidies to our kababayan, especially in the most...
'Baka’ mag-shopping? Isang baka, namataan sa harap ng mall
Viral sa social media ang larawang ibinahagi ni Jomar Plata, 32, mula sa San Pascual, Batangas, tampok ang isang baka na pagala-gala umano sa isang mall. “Kaninong baka are, maalam na mag SM ,” caption ng post ni Plata na siyang kinatuwaan naman ng netizens. Sa panayam...
₱4 milyong halaga ng pekeng sigarilyo, nasamsam sa Laguna
CAMP VICENTE LIM, Laguna -- Nasamsam mula sa isang Chinese national ang mga puslit na pekeng sigarilyo na nagkakahalagang halos P4 milyong sa isang entrapment operation sa Brgy. Del Remedios sa San Pablo City, Laguna nitong Miyerkules, Marso 1. Kinilala ng Police Regional...