'WILL YOU BE MY ANCHOR?' 

Sabay-sabay na nag-propose ang apat na miyembro ng Coast Guard Non-Officer's Course (CGNOC) sa kasagsagan ng kanilang graduation ceremony sa Philippine Coast Guard (PCG) RTC-Aurora noong Mayo 3, 2023.

Ibinahagi ng PCG sa kanilang Facebook page ang espesyal na kaganapan na ito na tila plinano nina CCGNO Marquezes, CCGNO Opeña, CCGNO Nacional, at CCGNO Lumbres dahil sabay-sabay silang lumuhod sa harap ng kanilang minamahal. 

Double celebration na ang nangyari dahil bukod sa kanilang graduation, nakatanggap sila ng matamis na "oo" mula sa kani-kanilang nobya.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

Congratulations!