BALITA
- Probinsya
Mag-amang PWD, patay sa sunog!
Nasawi ang isang 90-anyos na lalaki at ang kaniyang 48-anyos na anak na kapwa persons with disabilities (PWD) matapos masunog ang kanilang bahay noong Sabado ng hapon, Marso 14, sa Barangay Linao, Ormoc City, Leyte. Kinilala ang mga biktima sa kanilang alyas na “Lino,”...
Lifeguard sa Boracay, patay matapos iligtas turistang nalulunod
Nasawi ang isang lifeguard matapos niyang tangkaing sagipin ang isang Russian national na inanod patungo sa malalim na bahagi ng dagat sa isang beach resort sa Boracay Island sa Aklan. Kinilala ang lifeguard na si Rex Pablo Aguirre. Ayon sa mga ulat, ang Russian national na...
Babaeng nakapila para sa ayuda, nasawi matapos himatayin sa pila!
Patay ang isang 31-anyos na babae matapos mawalan ng malay habang nakapila sa validation para sa ayuda ng mga naapektuhan ng bagyo sa Mandaue City, Cebu. Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa public gymnasium sa Barangay Opao, Mandaue City, Cebu kung saan isinasagawa...
Rider na nawalan ng balanse, nagulungan ng truck!
Patay ang isang motorcycle rider matapos siyang masagasaan ng isang truck nang matumba ang kaniyang sinasakyang motorsiklo sa Marilao, Bulacan. Ayon sa mga ulat, lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nawalan ng kontrol sa motorsiklo ang biktima na naging dahilan upang...
Grupo ng mga estudyanteng nag-samgyup, nauwi sa disgrasya; butane stove, sumabog!
Sugatan ang 11 estudyante matapos sumabog ang isang portable butane stove habang nagdiriwang ng kaarawan ng isa sa kanila sa loob ng isang kainan sa Dagupan City, Pangasinan. Ayon sa imbetigasyon ng pulisya, nagpunta ang mga estudyante sa isang kainan sa Barangay Karanglaan...
Pahabol sa ‘cuddle weather?’ Temperatura sa Benguet, bumagsak sa 7.5°C!
Humahabol pa sa cuddle weather! Bumagsak sa 7.5°C ang temperatura sa La Trinidad, Benguet nitong Sabado, Marso 14. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ang opisyal na pinakamababahang temperatura sa panahon ng...
Delivery rider, tinodas at pinagnakawan!
Patay na nang natagpuan ang katawan ng isang delivery rider sa Maguindanao del Sur. Ayon sa mga ulat, may tali sa leeg at tadtad ng pasa ang katawan ng biktima nang marekober ito ng mga awtoridad. Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, hinihinala nilang posibleng...
Lolong nanaksak ng pusa, buminggo sa pulisya!
Nasakote ng pulisya ang 79 taong gulang na lalaki matapos niyang saksakin ang alagang pusa ng kaniyang kapitbahay. Ayon sa mga ulat, mismong ang may-ari ng alagang pusa ang nakarinig nang malakas umanong pag-iyak nito mula sa labas ng kanilang bahay. Bunsod nito, kaagad...
Harry Roque, pinuna pagsakay sa bus ni Mayor Leni!
Tila binatikos ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang larawan ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo na nakasakay sa isang pampasaherong bus. Naging ugat nito ang ibinahaging larawan sa publiko ni Naga City Councilor Ray-An...
Senior citizen na tinangkang isalba pondo ng simbahan, patay sa sunog
Patay ang isang 75 taong gulang na babae matapos umano niyang subukang isalba mula sa nasusunog na bahay ang pondo ng simbahan sa Bulacan. Ayon sa mga ulat, kabilang ang bahay ng biktima sa apat na mga bahay na tinupok ng apoy. Lumalabas sa imbestigasyon na 'church...