August 28, 2026

Home BALITA Probinsya

Bahay sa Zambales, nawasak matapos tamaan ng rumaragasang tubig!

Bahay sa Zambales, nawasak matapos tamaan ng rumaragasang tubig!
Photo courtesy: Val Jeffrey Dalit (FB screenshot)

Nawasak ang isang bahay sa Brgy. Sta. Fe, Zambales matapos itong tamaan ng rumaragasang tubig kasunod ng pagkasira ng dike at tuloy-tuloy na pag-ulan bunsod ng nananalasang Habagat sa bansa. 

Sa video na kuha ng residenteng si Val Jeffrey Dalit nitong Biyernes, Agosto 28, makikitang natapyas na ang bubong ng bahay habang watak-watak na ang mga pinagkakapitan nitong dingding. 

Tiniyak naman ng mga awtoridad sa San Marcelino local government unit (LGU) na nakalikas na sa ligtas na lugar ang pamilyang naninirahan sa nasirang bahay. 

Sa kasalukuyan, napasok na rin ng rumaragasang tubig ang barangay hall at iba pang gusali sa Sta. Fe.

Dahil dito, pansamantalang ipinagpaliban ng San Marcelino LGU ang paghahati ng relief packs sa Sta. Fe. 

Probinsya

Sabon panlaba, humalo sa gulamang nainom ng 29 na estudyante sa Davao del Norte!

Gayunman, binanggit ng LGU na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon dito sa pangunguna ni Mayor Elvis Ragadio Soria.