August 28, 2026

Home BALITA Probinsya

Dalawang insidente ng landslide, naganap sa Angeles City

Dalawang insidente ng landslide, naganap sa Angeles City
Photo courtesy: ACDRRMO (FB)

Dalawang magkahiwalay na insidente ng pagguho ng lupa ang naitala ng mga awtoridad sa Angeles City nitong Biyernes, Agosto 28, bunsod ng walang humpay na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ayon sa Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), ang unang insidente ay naiulat sa Abacan Bridge, malapit sa Abacan Loop sa Brgy. Balibago. 

Ang ikalawang insidente naman ay naiulat sa kahabaan ng Amsic Loop patungong Anunas Diversion Road. 

Sa hiwalay na update ni Punong Barangay Agosto Flores sa ACDRRMO, naapektuhan ng pagguho ng lupa ang Purok 2 at 3 ng Barangay Anunas.

Tiniyak ng ahensya na matagumpay nilang nailikas ang mga pamilyang naninirahan dito at kasalukuyan nang nailipat sa Brgy. Anunas Covered Court at Anunas Elementary School. 

Probinsya

Sabon panlaba, humalo sa gulamang nainom ng 29 na estudyante sa Davao del Norte!

Samantala, ipinaalala ng ACDRRMO sa publiko na maging alerto sa mga sakuna at tumawag sa mga sumusunod na numero para sa emergency assistance:

ANGELES CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE

Globe: 0917 851 9581

Smart: 0998 842 7746

ANGELES CITY POLICE OFFICE

0907 742 8000

0908 377 0144

BUREAU OF FIRE PROTECTION ANGELES

0995 822 3620

0925 451 3550

ANGELES ENVIRONMENTAL MANAGEMENT SYSTEM

0950 312 1699

CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

0966 350 7393

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga senyales ng landslides tuwing umuulan