August 27, 2026

Home BALITA Probinsya

18-anyos na dalaga, hinostage ng sariling tatay!

18-anyos na dalaga, hinostage ng sariling tatay!
UNSPLASH

Nasagip ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na babae mula sa kamay ng kaniyang sariling amang nang hostage sa kaniya sa Bugallon, Pangasinan.

Agad rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng distress call kaugnay ng naganap na hostage incident. Pagdating sa lugar, nadatnan nila ang dalaga sa loob ng bahay kasama ang kaniyang ama na iniulat na may dalang bolo.

Nakipag-usap muna ang mga police negotiator sa lalaki upang pakalmahin ang sitwasyon at hikayatin siyang ibaba ang armas.

Gayunman, nang muling lumitaw ang banta sa kaligtasan ng dalaga, nagsagawa ang mga pulis ng intervention upang mapigilan ang lalaki at mailayo ang biktima sa panganib.

Matapos ang operasyon, dinala sa ligtas na lugar ang 18-anyos at binigyan ng kinakailangang medical attention at psychological support.

Probinsya

Davao City government, nag-aasam makapagtayo ng data center para sa AI

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang ama habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kaniya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa motibo ng suspek.

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang naging tugon ng mga pulis, partikular ang kanilang pag-iingat sa pagresolba ng sitwasyon habang pangunahing isinasaalang-alang ang kaligtasan ng biktima.

Muling hinikayat ng Philippine National Police ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad kapag may banta sa buhay o seguridad at huwag subukang harapin nang mag-isa ang mga mapanganib na insidente.