BALITA
SUPORTA SA NAULILA NG DRUG SUSPECTS
BUTUAN CITY – Susuportahan ng gobyerno ang mga mag-anak na ang padre de pamilya ay sumuko sa awtoridad o kaya naman ay napatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Sa pahayag na inilabas ng regional office ng Department of Social Welfare and Development...
27 bala ibinaon sa binata
Kalunus-lunos ang pagkamatay ng isang lalaki nang pagbabarilin ng 27 beses ng tatlong hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Dead on the spot si Ranilo Maydan, 32, ng No. 298 Jerusalem Street, Barangay 150, Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Base...
Barker na 'tulak', tumimbuwang
Sinisiyasat ng Pasay City Police ang motibo sa pagpatay ng riding-in-tandem sa isang barker na umano’y drug user sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi. Agad nasawi si Jaime Colacito, 50, ex-convict, ng No.577 Ventanilla Street, Barangay 124 ng nasabing lungsod, dahil sa...
Hindi nag-remit, inutas
Binaril at napatay ng apat na armado ang isang tricycle driver sa Sta. Ana, Maynila sa pagkabigo umano ng huli na mag-remit mula sa kinita sa pagbebenta ng droga. Agad nasawi si Sandrex Ampo-An, 31, ng 1212 Santan Street, Punta, Sta. Ana, Maynila dahil sa mga tinamong tama...
Hinalay ng kainuman
Sinamantala umano ng isang 24-anyos na lalaki ang pagkalasing ng kainuman niyang dalagita matapos umano niyang gapangin habang nagpapahinga sa Sta. Cruz, Maynila nitong Biyernes. Nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Quiven Salvejo, binata, trabahador ng Huan...
PAKIALAMERO NIRAPIDO
Tinadtad ng bala hanggang sa napatay ng kanyang landlord ang isang pulis matapos umanong makialam at umawat sa away sa pagitan ng suspek at dati nitong kinakasama sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw. Anim na tama ng bala sa likod ang natamo ni PO1 Alwin Kirk...
Zero fund sa centenarians
Hindi makakatanggap ng P100,000 ang mga Filipino na may edad 100 pataas dahil walang pondong nakalaan para sa selebrasyon ng unang National Centenarians Day sa Oktubre 2. Ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto, ang Filipino Centenarians Act ay naging ganap na batas...
SOCE ni De Lima ilaladlad ng Comelec
Handa ang Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng kopya ng statement of contributions and expenditures (SOCE) ni Senator Leila De Lima sa pagdinig ng Kongreso kung kinakailangan. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, public document naman ang SOCE kaya’t...
Kulungan ni Pemberton, ipasilip naman
Hinihiling ng kongresista sa Kamara na silipin ang pasilidad ng kulungan ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, killer ng transgender na si Jennifer Laude. Sa ilalim ng House Resolution No. 353, nananawagan si Kabayan Party-list Rep. Harry L. Roque sa...
Turista dadagsa sa 'Pinas, Israel
Asahan ang pagdagsa ng mga turista sa Pilipinas at Israel na magpapalago lalo sa turismo ng dalawang bansa, kasunod ng pagpirma sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Philippine Airlines (PAL) at EL AL Israel Airlines. Noong Setyembre 20, pinirmahan ang...