April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis
Photo courtesy: Johnielle Keith Pasion Nieto (FB)

Muling binuhay ng munisipalidad ng Cainta, Rizal ang kanilang “One Cainta Pantry” para sa libreng hapunan ng kanilang mga residente sa kasagsagan ng krisis sa enerhiya sa bansa. 

Batay sa anunsyo ni Cainta Mayor Kit Nieto nitong Linggo, Abril 12, ang “One Cainta Pantry” ay iikot sa iba’t ibang bayan ng Cainta pagsapit ng 5:00 PM, mula Lunes hanggang Biyernes, upang makapagpakain ng 300 katao. 

Saad pa ng alkalde, “buffet style” ang pagkain upang walang mag-uuwi ng sobra, habang ang mga staff naman sa General Services Office ay magluluto araw-araw upang makamura ang mga tao. 

Pinabuksan rin daw ni Nieto ang kanilang central kitchen sa One Arena upang maluwag at malinis ang paghahanda ng pagkain para sa mga tao. 

Kada opisina rin daw sa munisipyo ay may nakatokang tauhan araw upang sila ang sumandok at makapamigay ng mga pagkain sa mga residente, upang malaman rin daw ng mga tauhan ang kondisyon at nararamdaman ng mga residenteng kanilang pinagsisilbihan. 

Probinsya

11-anyos na manlalaro ng sepak takraw, patay matapos mabulunan sa headquarters!

Ang programang ito ay buong taon na tatakbo upang maging ambag sa araw-araw na gastusin ng bawat isa sa Cainta. 

Ibinahagi rin ni Nieto na hindi siya pupunta sa lahat ng pakain upang mapanatiling sagrado ang programa mula sa anumang pulitika. 

“Wag n’yo na akong hanapin sa mga litrato dahil hindi ako darating sa lahat ng pakain para ma-maintain ko ang pagiging sagrado ng programa at mailayo ko din ito na magamit sa pulitika,” saad ng alkalde.