Sa kabila ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, nagkatakdang magpatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Abril.
Ayon sa Meralco, magkakaroon ng ₱0.53 kada kilowatt hour (kwh) na taas-singil.
Ang taas-singil ay bunsod ng pagsipa ng generation charge na dulot ng paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.
Dahil hindi naman lumagpas ng ₱1.00/kwh ang dagdag-singil ay hindi ito uunti-untiing ipatupad ng Meralco, batay na rin sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Anang Meralco, ang naturang ₱0.53/kwh na taas-singil ay katumbas ng dagdag na ₱107 na bayarin sa mga tahanang nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan at ₱160 naman para sa nakakagamit ng 300 kwh kada buwan. Nasa ₱213 naman ang dagdag na bayarin para sa nakakagamit ng 400 kwh kada buwan at ₱267 naman sa mga nakakakonsumo ng 500 kwh kada buwan.