May mensahe si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa paggunita ng Huwebes Santo nitong Abril 2, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paglilingkod bilang pundasyon ng tunay na pamumuno.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ng Pangulo na ang Huwebes Santo ay paalala na ang liderato ay nagsisimula sa serbisyo—ang pag-aaruga sa kapwa at paglalagay sa kapakanan ng iba bago ang sarili.
"On this Holy Thursday, we are reminded that leadership begins with service," aniya.
"Caring for others and putting their needs before our own."
Hinikayat din niya ang mamamayan na isabuhay ang diwa ng malasakit at kabutihan sa pang-araw-araw na gawain.
Ayon pa kay Marcos, nawa’y dalhin ng bawat isa ang espiritu ng sakripisyo at paglilingkod hindi lamang sa panahon ng Semana Santa kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.
Nagtapos ang Pangulo sa pagbati ng isang mapagpala at makabuluhang Huwebes Santo sa lahat ng Pilipino, kasabay ng panawagang pagnilayan ang tunay na kahulugan ng pananampalataya at pagkakaisa.
"May we carry this spirit with us in all that we do. A blessed and meaningful Holy Thursday to all," aniya pa.