April 16, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking feeling haciendero, ginilitan ng kainuman!

Lalaking feeling haciendero, ginilitan ng kainuman!

Patay ang isang lalaki matapos gilitan ng kaniyang nakaaway na kainuman sa Barangay Katangawan, General Santos City.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang biktima bandang 5:00 ng madaling araw sa loob ng farmhouse na kaniyang pinagtatrabahuhan sa Purok 5A. Ang bangkay ay nadiskubre ng sariling anak ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon na ang suspek ay kasamahan din ng biktima sa trabaho. 

Batay sa salaysay ng anak, huling nakita ang dalawa na magkasamang umiinom at nagsasayawan bago naganap ang krimen.

Napag-alaman din na may matagal nang alitan ang dalawa, na umano’y nagsimula dahil sa pag-aasta ng biktima na tila siya ang may-ari ng farm na kanilang pinagtatrabahuhan.

Probinsya

Pagtatayo ng 'foreign military facilities,’ 'di welcome sa Davao City

Sinubukan ng mga awtoridad na kunin ang panig ng tunay na may-ari ng farm, ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag.

Sa kasalukuyan, patuloy ang operasyon ng pulisya upang matunton at maaresto ang suspek.