Muling binuhay ni Ana Patricia Non o mas kilala bilang si “Patreng Non” ang pinasimulan niyang Maginhawa community pantry sa gitna ng kasalukuyang kinakaharap na krisis sa langis ng Pilipinas ngayon.
Matapos ito ng muling nag-viral na social media post ni Patreng sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Marso 26, 2026, kung saan makikita ang pagtatayo niya ng community pantry para naman sa mga rider at driver dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo at tuloy-tuloy na transport trike sa Maynila.
“Driver rider tsuper community pantry,” pagsisimula niya sa caption.
Photo courtesy: Patreng Non (FB).
Dagdag pa niya, “Habang nagtataas po ang presyo ng gas at tuloy tuloy po ang transport strikes dating gawi po tayo para suportahan naman ang mga drivers.”
Sa pamamagitan nito, muling nabasa ng publiko ang tila mapagkumbabang paalala na hatid ng community pantries noong pandemya na “magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”
“Ganun pa din po, magbigay ayon sa kakayahan kumuha batay sa pangangailangan,” saad niya.
Ani Partreng, maaari raw magbigay ng mga product goods at suporta ang sinoman para sa mga riders at drivers.
Matatagpuan ang kaniyang itinayong community pantry sa Maginhawa Corner Magiting sa Quezon City.
“Pwedeng pwede po kayo mag-iwan ng mga goods or anumang support sa drivers. Andito lang po ito sa Maginhawa Corner Magiting,” aniya.
Pahabol pa niya, “Kung may malapit naman po sa inyong tricycle o jeep terminal pwede po mag community pantry, kitchen etc. Sa mga drayber, tsuper at riders kaisa nyo po kami,” pagtatapos pa ni Patreng.
Samantala, habang sinusulat ito, umabot na sa mahigit 12K reactions at 3K shares ang naitala ng naturang post ni Patreng sa loob lamang ng dalawang oras mula nang mai-upload ito.
SINO SI PATRENG NON?
Nagsimulang umusbong ang pangalan ni Patreng sa social media nang una siyang magsagawa ng community pantry noong Abril 14, 2021, upang makatulong sa mga nangangailangan at mahihirap sa ng pandemya.
Sa pamamagitan ng pinasimulang ito ni Patreng, matiwasay na sinunod ng mga tao sa kanilang lugar ang paalala niya sa kaniyang community pantry na pumila, magbigay ng abot sa kakayahan, at kumuha batay sa pangangailangan.
Matapos nito, agad na kumalat sa mga karating siyudad ng QC ang ideya ng community pantry ni Patreng hanggang sa gayahin na rin ito ng iba pang mga komunidad sa Metro Manila, sa iba pang mga probinsya, at maging sa buong Pilipinas.
Mayo 18, 2025, nakatanggap si Patreng ng “Ambassador’s Woman of Courage Award” ng United States (US) Embassy in the Philippines dahil sa naging impluwensya ng kaniyang community pantry sa bansa.
Si Patreng ay nagtapos ng kursong Visual Communication sa University of the Philippines College of Fine Arts.
KAUGNAY NA BALITA: Pasimuno ng Maginhawa community pantry, ginawaran ng 'Ambassador's Woman of Courage Award'
KAUGNAY NA BALITA: ‘Gulay bouquet’, tinitinda ni Community Pantry founder Patricia Non para sa mga magsasaka