Bukod sa pagninilay-nilay at paggunita sa pagsasakripisyo ni Hesus sa krus, ang Semana Santa ay panahon ng muling pagkonekta sa mga kaanak.
Kaya taon-taon, humihinto ang operasyon ng maraming establisyimento sa Pilipinas upang bigyang-daan ang kulturang ito para sa publiko at kanilang mga manggagawa.
Dahil dito, narito ang schedule ng “adjusted mall hours” sa iba’t ibang lungsod sa bansa sa darating na Semana Santa:
Ayala Malls
Ayon sa social media post ng Ayala Malls, ang kanilang mga establisyimentong bukas sa Abril 2 simula 10:00 AM hanggang 9:00 PM ay ang mga sumusunod:
- Ayala Malls UP Town Center
- Shops at Serendra
- Ayala Malls Harbor Point
- Ayala Malls Evo City
- Ayala Malls Serin
- Ayala Malls Vermosa (Food and Dining only)
Ang Ayala Malls Nuvali naman ay bukas mula 11:00 AM hanggang 9:00 PM.
Ang sumusunod na malls ay bukas sa Abril 3 simula 10:00 AM hanggang 9:00 PM:
- Ayala Malls Harbor Point
- Ayala Malls Evo City
- Ayala Malls Serin
- Ayala Malls Vermosa (Food and Dining only)
Ang Ayala Malls Nuvali naman ay bukas mula 11:00 AM hanggang 9:00 PM.
Ang mga sumusunod naman ay magsasara mula Abril 2 hanggang 3:
Metro Manila- Glorietta- Greenbelt
- One Ayala
- Trinoma
- Ayala Malls Vertis North
- Ayala Malls Manila Bay
- Ayala Malls Market! Market!
- Ayala Malls Circuit
- Ayala Malls Arca South
- Ayala Malls Feliz
- Ayala Malls The 30th- Ayala Malls Cloverleaf
- Ayala Malls Fairview Terraces
- Ayala Malls Marikina
- Metropoint Mall
Luzon
- Ayala Malls Marquee
- Ayala Malls Legazpi
- The District Dasmariñas
- The District Imus
- Pavilion Mall
Visayas - Mindanao - Ayala Center Cebu
- Ayala Malls Central Bloc
- Ayala Malls Capitol Central
- Ayala Malls Abreeza
- Ayala Malls Centrio
Estancia
Ayon sa social media post ng Estancia, sarado ang kanilang establisyimento mula Abril 2 hanggang 3, at muling magbabalik operasyon sa Abril 4.
Filinvest Malls
Ayon sa kanilang social media post, ang kanilang establisyimento ay magsasara mula Abril 2 hanggang 3, at muling magbabalik sa regular operation simula Abril 4.
Greenhills Mall
Ayon sa kanilang social media post, sarado ang kanilang establisyimento mula Abril 2 hanggang 3, at muling magbabalik operasyon sa Abril 4.
Parqal Mall
Ayon sa kanilang social media post, sarado ang kanilang establisyimento ng Abril 2 at 3, at muli nang magbabalik operasyon sa Abril 4.
Robinsons Malls
Base sa anunsyo ng Robinson’s Malls, karamihan ng kanilang branches ay mananatiling bukas sa Huwebes Santo, Abril 2, mula 10 AM hanggang 9 PM, maliban sa Robinsons Dasmariñas at Robinsons Gen. Trias.
Marami naman ang magsasara sa Biyernes Santo, maliban sa Robinsons La Union, Robinsons Luisita, Robinsons Tagaytay, at Cybergate Bacolod.
SM Supermalls
Ayon sa website ng SM Supermalls, ang kanilang adjusted mall hours ay magsisimula sa Lunes Santo, Marso 30, hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5.