March 18, 2026

Home SPORTS

Alex Eala, umariba bilang world no. 29!

Alex Eala, umariba bilang world no. 29!
Photo courtesy: Alex Eala (IG)

Muling nakapagtala ng mas mataas na bagong career-high bilang world no. 29 ang Filipino ace professional player na si Alexandra “Alex” Eala. 

Bagama’t hindi pa nagkakaroon ng opisyal na pagbabago mula sa website ng Women’s Tennis Association (WTA), mababasa sa mga ulat nitong Lunes, Marso 16, 2026, na matagumpay na tumaas pa si Eala ng dalawang puwesto bilang world rank no. 29 mula rank no. 31 noon lamang mga nakaraang linggo. 

Matapos ito ng kamakailang naging pagsali ni Eala sa Indian Wells Open sa California na ginanap mula noong Marso 4 hanggang Marso 15, 2026. 

Sa naturang kompetisyon, nagawa niyang talunin sa round 64 ang world rank no. 52 na si 

Dayana Yastremska sa sets score na 7-5, 4-6, at 7-5. 

Karl Eldrew Yulo, nasungkit una niyang ginto sa Gymnastics senior level!

Napataob din ni Eala sa round 32 ng Indian Wells Open world no. 4 na si Coco Gauff. 

Nakalamang si Eala kay Gauff sa mga set score na 6-2, 2-0 kung saan hindi inaasahang magretiro ng kaniyang katunggali dahil sa injury.

Samantala, bigo namang makamit ni Eala ang tagumpay sa round 16 ng naturang kompetisyon nang matalo siya ng world rank no. 14 na si Linda Noskova sa sets score na 2-6 at 0-6. 

Inaasahan namang muling haharap si Eala sa Miami Open ngayong Marso bilang pagbabalik sa kompetisyong itinuturing niyang nagbigay ng malaking tulak sa paglago niya bilang atleta. 

Matatandaang kasing isa sa mabigat na nakamit ni Eala sa naging pagsali niya sa Miami Open noong Marso 2025 ang naging pagpapataob niya sa five-time grand slam champion na at world rank no. 2 na si Iga Swiatek upang makapasok sa semi-finals. 

World rank no. 140 pa lang noon si Eala ngunit dinomina at naipalo niya pa rin ang laban sa ilan pang world champions na sina Jelena Ostapenko na world rank no. 25 pa lang noon at dating French Open Champion, at si Madison Keys na world rank no. 5 noon at Australian champion.

KAUGNAY NA BALITA: 'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!

KAUGNAY NA BALITA: 'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala