“Accessible” nang muli ang isang microblogging platform sa Pilipinas ngayong Biyernes, Marso 13, matapos itong maiugnay sa ilegal na sugal kamakailan.
“[H]uge news! [T]he Republic of the Philippines has officially moved to restore access to Tumblr. [O]ur users in the Philippines should have access restored, if not in the very immediate future,” saad ng Tumblr sa kanilang X post.
Anila pa, ang dagsa ng reports na natanggap ng pamahalaan hinggil dito ang nag-udyok upang mapabilis ang imbestigasyon sa pagka-block nito sa bansa.
“[T]he Philippine government cited the ‘surge of reports’ in their press release. [I]n other words, y’all really did that. [I]n closing: [W]e are so back!” dagdag pa ng Tumblr.
Matatandaang inanunsyo rin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) noong Miyerkules, Marso 11, ang pag-iimbestiga nila sa pagka-blocked ng Tumblr matapos itong maiugnay sa ilegal na sugal.
MAKI-BALITA: Microblogging platform, iniimbestigahan ng CICC dahil sa ilegal na online sugal