Inihayag ni MANIBELA Chairperson Mar Valbuena na nagbabalak silang mangalampag ng taas-pasahe na aabot sa ₱2 bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng Unang Balita kay Valbuena nitong Biyernes, Marso 13, 2026, iginiit niyang last resort na raw nila ang naturang fare-hike.
"Last resort po namin ito dapat, kung mabibigyan tayo ng ayuda at at mababawasan yung excise tax at value added tax o ma-suspend," ani Valbuena.
Paliwanag pa niya, "Ang mangyayari po kasi ngayong susunod na linggo, ₱15 na naman ang itataas. So siguro panahon na para kasaama na kami sa manawagan na magtaas kahit na provisional lang o pansamantala lang na ₱1 o ₱2," aniya.
Ayon pa kay Valbuena, tinatayang nasa ₱400 hanggang ₱500 ang nawawala sa araw-araw na kita ng mga tsuper magmula ng rumatsada ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa sigalot sa Middle East.
Matatandaang kamakailan lang nang kumpirmahin ng Department of Transportation (DOTr) na pinag-aaralan na ra wnila ang posibleng pagtaas ng pamasahe sa pampublikong transportasyon.
''Mayroong nakabinbin na petisyon, the process usually is for the LTFRB to make a recommendation. They submitted a recommendation po sa DOTr, binalik ko po yesterday. Sabi ko you have to recompute your numbers, you have to recrunch your numbers, mukhang hindi tugma,'' ani Lopez.
Dagdag pa ng kalihim, inaasahang muling magsusumite ng rekomendasyon ang LTFRB sa loob ng linggong ito matapos ang muling pagsusuri sa kanilang mga kalkulasyon.
KAUGNAY NA BALITA: DOTr, kinumpirma nakaambang pagsipa ng pagtaas ng pamasahe
Habang noong Miyerkules, Marso 11, nang mag-abiso ang Iran sa world market hinggil sa pagsipa ng presyo ng langis bunsod ng nagpapatuloy nilang giyera laban sa US at Israel.
Babala ni Ebrahim Zolfaqari, tagapagsalita ng military command ng Iran, “Get ready for oil be $200 a barrel, because the oil price depends on regional security which you have destabilized.”
KAUGNAY NA BALITA: Iran, inanunsyo pagpalo ng $200 per barrel na langis sa world market