March 12, 2026

Home SPORTS

Lifetime fuel incentive ni Hidilyn Diaz, 'drawing' lang?

Lifetime fuel incentive ni Hidilyn Diaz, 'drawing' lang?
Photo courtesy: Hidilyn Diaz/FB, via Balita


Matapos ang walang-tigil na girian ng iba’t ibang mga bansa sa Middle East, lubhang naapektuhan ang mga produkto sa pandaigdigang merkado—partikular na ang presyo at suplay ng produktong petrolyo sa buong mundo.

Kaya naman naging maugong ulit ang usapin hinggil sa umano’y “lifetime fuel incentive” ni 2020 Tokyo Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz mula sa “Phoenix Petroleum,” matapos niyang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa kasaysayan ng Olympics.

Saad tuloy ng ilang netizens, “Baka naman!” “Literal na sana oil!”

MAKI-BALITA: ‘Baka naman!' Lifetime 'free fuel' ni Hidilyn Diaz, kinaiinggitan na ng ilang netizens-Balita

Ngunit agad namang nagkomento ang manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer kaugnay sa umiingay na usapin.

Aniya, “drawing” naman daw ang nasabing lifetime incentive.

“Drawing naman po ang lifetime,” saad ni Noel sa isang Instagram (IG) story.

Photo courtesy: Noel Ferrer/IG via MB

Samantala, hindi pa naglalabas ng komento o pahayag ang Phoenix Petroleum kaugnay sa usaping ito.