February 27, 2026

Home BALITA Metro

‘Speech workshops,’ ilulunsad ng UP sa darating na Hunyo

‘Speech workshops,’ ilulunsad ng UP sa darating na Hunyo
Photo courtesy: University of the Philippines via MB

Ilulunsad ng University of the Philippines (UP) - Department of Speech Communication and Theatre Arts (DSCTA) ang kanilang public speaking workshops sa darating na Hunyo 2026. 

Ayon sa Facebook post ng DSCTA noong Miyerkules, Pebrero 25, ang “Our Speak UP Workshop Series” ay bukas para sa kabataan at mga propesyunal, upang mahasa ang kanilang speaking at communication skills. 

Ang workshop sessions ay gaganapin sa Palma Hall Pavilion 1, UP Diliman simula Hunyo 1 hanggang 13.

Anila, ang workshop facilitators ay binubuo ng faculty members mula mismo sa UP-DSCTA, at ang bawat session ay mayroon lamang 15 participants upang matiyak ang “optimal learning experience.” 

Kabilang din sa workshop fee ay ang session kit at certificate of completion. 

Metro

Lalaking nangmolestya noong 2020, nasilbihan lang ng warrant noong 2025 at naaresto nitong 2026

Habang ang registration period ay nagsimula na noong Pebrero 23 aarangkada ito hanggang Abril 30. 

Ang mga nasabing session ay ang mga sumusunod: 

 Storytelling and Performance for Kids (Ages 6 to 8)

- Hunyo 1 hanggang 11 (Lunes hanggang Biyernes) 

Basic Public Speaking for Tweens (Ages 9 to 12)

- Hunyo 1 hanggang 11 (Lunes hanggang Biyernes)

Advanced Public Speaking and Argumentation for Teens (Ages 13 to 17)

Hunyo 1 hanggang 11 (Lunes hanggang Biyernes) 

Effective Communication for Professionals (Ages 18 pataas) 

Hunyo 6 at 13 (Sabado)

Sean Antonio/BALITA