February 18, 2026

Home BALITA

Kitty Duterte kay FPRRD: 'I miss you, papa'

Kitty Duterte kay FPRRD: 'I miss you, papa'
Photo courtesy: Veronica Duterte/IG screenshot via Balita

Namimiss na ni Veronica "Kitty" Duterte ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Sa Instagram story, ibinahagi ni Kitty ang larawan niya kasama ang ama at may nakalagay itong "[I] miss you, papa."

Photo courtesy: Veronica Duterte/IG screenshot via Balita

Sa sumunod na story, makikita ang larawan niya kasama ang ama at kaniyang ina na si Honeylet Avanceña noong Marso 10, 2025—isang araw bago arestuhin ang dating pangulo.

Politics

Darryl Yap kay VP Sara: 'Iganti mo kami! Tapusin mo sila!'

Photo courtesy: Veronica Duterte/IG screenshot via Balita

Matatandaang pagbalik ng Pilipinas mula Hong Kong noong Marso 11, 2025, sinilbihan si Duterte ng arrest warrant mula sa ICC, at dinala sa headquarters nito sa The Hague, Netherlands.

Kaugnay na Balita: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Samantala, nakatakda ang pagdinig ng confirmation of charges ni FPRRD sa Pebrero 26, 2026, limang buwan makalipas ang orihinal na schedule noong Setyembre 2025.

Kaugnay na Balita: ICC, tinanggihan apela ng kampo ni FPRRD na baligtarin ang desisyon kaugnay sa 'fit to stand trial'

Inilahad ng ICC na “criminally responsible” umano ang dating pangulo kaugnay sa kabuuang 78 mga biktima ng inilatag nilang 49 insidente ng war on drugs noon. 

Maki-Balita: FPRRD, 'criminally responsible' sa 78 biktima ng war on drugs mula 2013-2018!—ICC