Nagpahaging ang political pundit at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas tungkol sa mga senador na maka-China.
Sa isang Facebook post ni Llamas nitong Sabado, Pebrero 7, sinabi niyang hindi umano lahat ng Makapili ay nakasuot ng bayong sa ulo.
Aniya, “Hindi lahat ng Makapili may suot na bayong sa ulo. Yung iba, peluka.”
“Atin ang Kalayaan Island Group! Singilin ang mga Tsinador!” giit pa ni Llamas.
Wala namang binanggit na mga pangalan si Llamas. Ngunit hindi naiwasang makaladkad ang pangalan ni Sen. Rodante Marcoleta sa comment section. Narito ang komento ng ilang netizens:
"Haha si marcoleta bagay jn"
"Hahaha parang alam ko po kung sino yung naka peluka "
"Traydor ka marcoleta!!! Amin ang West Philippine Sea!!! Amin lang hindi kayo kasama!!!"
"Tawagin nalang natin silang 'MARKAPELUKA' imbes na makapili. "
"Haha! Peluka Rodante Marcoleta"
"Yung mag amang markubeta"
"Mag-ama pa!"
"oo nga naman Sir Rodante Marcoleta !"
Matatandaang umani ng batikos si Sen. Marcoleta matapos niyang sabihin na isuko na lang umano ang Kalayaan Island Group (KIG) dahil hindi umano ito saklaw ng Exclusive Economic Zone o EZZ ng Pilipinas.
Ngunit sa mensaheng ipinadala niya sa mamamahayag na si Joseph Morong, nilinaw ng senador na hindi umano niya sinabing ipamigay na lang ang nasabing isla.
“Hindi ko sinabi na ipamigay natin ang KIG. These people are deliberately abbreviating the context of what I actually discussed at the last CA hearing before the 35 members of the AFP who are to be confirmed on that day,” anang senador.
Maki-Balita: 'Di ko sinabing ipamigay!' Sen. Marcoleta, mariing itinanggi suhestiyong isuko KIG