January 19, 2026

Home BALITA

‘We respect the process!' Palasyo tanggap, impeachment laban kay PBBM

‘We respect the process!' Palasyo tanggap, impeachment laban kay PBBM
Photo courtesy: via MB

Kinikilala ng Malacañang ang impeachment complaint na ikinasa laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nitong Lunes, Enero 19, 2026.

Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communication Office (PCO), iginiit nitong nirerespeto nila ang proseso sa ilalim ng Konstitusyon.

“The Palace recognizes that the filing of complaints is part of the democratic process provided for under our Constitution. We respect this process and trust that Congress, as a co-equal branch of government, will discharge its duties with honesty, integrity, and fidelity to the rule of law” saad ng PCO.

Siniguro rin ng Malacañang na patuloy daw ang serbisyo ni PBBM sa publiko, habang gumugulong ang proseso sa nasabing impeachment laban sa kaniya.

'Sama n'yo na pag-alis n'yo!' Kustodiya ni Henry Alcantara, pinayagan ng Senado na mapunta sa DOJ

“While these processes take their course, the President will continue to govern, ensuring that public services remain uninterrupted and that the work of government stays focused on improving the lives of our people,” saad ng PCO.

Matatandaang pinangunahan ni House Minority Leader Pusong Pinoy Party-List Rep. Jett Nisay ang kauna-unahang impeachment case laban kay PBBM.

Ayon kay Nisay, may kaugnayan ang naturang impeachment sa paglipat ng ₱60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury at iba pang mga grounds.

“Kamakailan lamang ay nagdesisyon ang Korte Suprema na ibalik [ang ₱60 bilyon ng PhilHealth] dahil po ito ay unconstitutional and void. Alam po ninyo, kung nagagamit lamang natin ang ganitong pondo sa tamang programa sa pagpapalakas ng ating Universal Healthcare System ay marami pong Pilipino ang makikinabang lalo na sa mga kababayan natin na nagkakasakit para magpagamot,” saad ni Nisay.

KAUGNAY NA BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang personal na pahayag na inilalabas si PBBM, hinggil sa unang impeachment case na ibinala sa kaniya.

Maki-Balita: ALAMIN: Mga Pangulo ng Pilipinas na sinupalpal ng impeachment complaints