December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!
Photo courtesy: teresitassen (IG)

Totoo na ngang nag-“I do” ang comedienne-entrepreneur at dating Goin Bulilit star na si Kiray Celis sa fiancé na si Stephan Estopia nitong Sabado, Disyembre 13, sa Shrine of St. Therese, Pasay City. 

Sa Instagram stories ni Kiray, makikita ang reposts ng ilan nilang guests mula sa pre-wedding preps at pictorial, pagpasok niya sa entourage, pagpapalitan nila ng wedding vows, hanggang sa “you may now kiss the bride.” 

Bukod sa pagiging stunning bride ni Kiray sa kaniyang long white bridal gown, ang kasal ay nagningning din dahil sa star-studded nilang guests.

Ayon sa mga ulat, ilan dito ay ang bridesmaids niyang sina Winwyn Marquez, Xyriel Manabat, Yen Santos, Arci Muñoz, at Gigi de Lana. 

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Ang ilan naman sa naging principal sponsors nila ay sina Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes, Unkabogable Star Vice Ganda, Sen. Bong Go, Manila City Mayor Isko Moreno, at Gov. Chavit Singson. 

Matatandaang napagkamalan na ng publikong ikinasal ang dalawa noong Nobyembre matapos silang maitampok sa music video na “Kayong Dalawa Lang” ng CEO at founder ng Purple Hearts na si Kryzl Jorge. 

“Akala niyo kasal na kami no? Para sa Music video ito ni baby Kryzl! Eto yung original song niya na dedicated samin ng kuya tepan niya at sa lahat ng nagmamahal. Thank you dito baby!” paglilinaw noon ni Kiray sa social media niya. 

MAKI-BALITA: Kiray Celis, nilinaw na ‘di pa kasal: ‘Akala n’yo kasal na kami no?’

KAUGNAY NA BALITA:  Kiray, ikinasal na sa non-showbiz boyfriend!

Abril 21 nang mag-propose si Stephan kay Kiray, kung saan, mangiyak-ngiyak pa itong ibinahagi ni Kiray sa kaniyang followers at fans. 

MAKI-BALITA:  Kiray Celis, hagulgol sa proposal ng boyfie

Ang bagong mag-asawa ay nagkakilala at nagsimulang mag-date noong 2019, kung saan, hindi raw makapaniwala si Kiray na mahuhulog ang loob niya kay Stephan nang makalaro niya ito sa isang online game. 

Congratulations, Mr. and Mrs. Estopia! 

Sean Antonio/BALITA