April 13, 2026

Home BALITA Metro

Pedestrian na tumatawid sa kalsada, patay sa bangga

Pedestrian na tumatawid sa kalsada, patay sa bangga

Isang pedestrian ang patay nang mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Taytay, Rizal noong Miyerkules, Marso 11. 

Ang biktima ay kinilalang si alyas 'Marcial,' residente ng Brgy. San Juan, sa Cainta.

Arestado naman ang sugatan ding driver ng motorsiklo na si alyas 'Mark,' 36,  anyos, residente ng Brgy. San Juan, sa Taytay.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-7:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa Ortigas Avenue Extension, sa Barangay San Isidro, Taytay.

Kasalukuyan umanong tumatawid sa pedestrian lane ang biktima nang mabangga ito ng motorsiklo, na noon ay bumabagtas sa lugar patungo sa Katikling, Taytay.

Metro

Nasunog na landfill sa Navotas, 'di pagmamay-ari ng LGU—CDRRMO

Sa tindi ng impact ng pagkabangga, kapwa bumagsak sa sementadong kalsada ang biktima at driver at nasugatan.

Kaagad naman silang naisugod sa magkahiwalay na pagamutan ngunit dead-on-arrival na sa Taytay Emergency Hospital ang biktima.