Naglatag ng posibilidad si singer-songwriter at dating senatorial aspirant Atty. Jimmy Bondoc sa maaaring mangyari sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Sa latest episode ng “Politika All The Way” ng One PH noong Sabado, Disyembre 6, sinabi niyang mapapabuti umano ang bansa sakaling humalili ang Bise Presidente sa Pangulo.
Aniya, “I really think na kunwari maging presidente si VP Sara, the Philippines will immediately become better.”
Matatandaang nauna nang inihayag ng abogado at singer-songwriter ang suporta niya para sa Bise Presidente sakaling maluklok itong pinuno ng bansa bilang kapalit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Maki-Balita: 'Bakit 'di n'yo subukan?' Jimmy Bondoc, buo ang suporta kung maluklok sa tuktok si VP Sara
Ito ay sa gitna ng isyu ng korupsiyon at napipintong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.
Ngunit ayon kay Bondoc sa pareho ring panayam, hindi umano gusto ni VP Sara ang kaliwa’t kanang panawagan para pagbitiwin ang Pangulo sa pwesto.
“I think, I'm authorize to say this, pero no'ng nagkakaroon ng mga BBM resign na call, she didn't like it," saad ni Bondoc.
Maki-Balita: VP, Sara 'di bet ang panawagang 'BBM Resign'—Bondoc