Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walong beses nag-landfall ang Bagyong "Tino."
Sa 8:00 AM weather bulletin ng PAGASA ngayong Miyerkules, Nobyembre 5, huling namataan ang bagyo sa layong 135 kilometers Southwest ng Coron, Palawan. Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong 180 kilometers per hour.
Mabagal ang pagkilos nito sa bilis na 15 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, walong beses nag-landfall ang bagyo sa mga sumusunod na lugar:
1. Silago, Leyte - 12:00 AM, Nobyembre 4.
2. Borbon, Cebu - 5:10 AM, Nobyembre 4.
3. Sagay City, Negros Occidental - 6:40 AM, Nobyembre 4.
4. San Lorenzo, Guimaras - 11:10 AM, Nobyembre 4.
5. Iloilo City, Iloilo - 1:20 PM, Nobyembre 4.
6. Magsaysay, Palawan - 7:30 PM, Nobyembre 4.
7. Batas Island, Taytay, Palawan - 4:10 AM, Nobyembre 5.
8. El Nido, Palawan - 4:50 AM, Nobyembre 5.
Samantala, lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng umaga, Huwebes, Nobyembre 6.