Ikinuwento ni Kapamilya Primetime King Coco Martin kung paano makaiwas sa posibleng tuksong lumapit sa kaniya sa ginagalawan niyang industriya.
Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Nobyembre 1, sinabi ni Coco na ginagamit niya ang kaniyang awtoridad upang magkaroon ng respeto ang tao sa paligid niya.
“Ang ipinaparamdam ko kasi, ‘yong posisyon ko…para magkaroon ng respect. Kasi kapag naramdaman ng mga artista na artista ka pa rin, ‘yon lang din ang tingin nila sa ‘yo. [Pero] kapag nagsalita ka, rerespetuhin ka,” lahad ni Coco.
Ilan sa mga ipinapatupad na patakaran ng aktor sa set ay ang pagbabawal na mag-cellphone at manigarilyo. Bigla-bigla rin daw siyang nagpapa-drug test upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Kaya dahil sa ginagawang ito ni Coco naipaparamdam niyang may agwat na naghihiwalay sa kaniya sa mga tao niya.
“Nararamdaman nila na parang, ‘Opps, hindi gano’n.’ Kasi sa totoo lang, hindi ko rin kasi puwedeng masyado akong madaling lapitan. Maraming mga tao, honestly, na ima-manipulate ka,” anang aktor.
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang panayam ni DJ Chacha sa partner ni Coco na si Julia Montes dahil babaeng sinungitan umano nito.
Sa nasabing panayam kasi ay nausisa si Julia kung may nakompronta na ba siyang babae na umaaligid sa partner niyang si Coco.
Maki-Balita: Aktres na sinungitan ni Julia Montes, pinangalanan ni Ogie Diaz