December 14, 2025

Home BALITA Internasyonal

US, aprubado 0% taripa sa 3 ASEAN countries

US, aprubado 0% taripa sa 3 ASEAN countries
Photo Courtesy: via MB, ASEAN (FB)

Opisyal nang inaprubahan ng Amerika ang 0% tariff para sa mga espesipikong produkto na inaangkat mula sa Thailand, Malaysia, at Cambodia na pawang miyembro ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).

Ayon sa mga ulat noong Lunes, Oktubre 28, inanunsiyo ang desisyong ito sa ginanap na ASEAN Summit kamakailan sa Kuala Lampur, Malaysia.

Matatandaang bago pa man ito naaprubahan ay pinapatawan ng 19% tariff ang tatlong nabanggit na bansa.

Pero sa ilalim ng bagong kasunduan,  hindi na papatawan ng taripa ang mga produktong tulad ng aerospace equipment, pharmaceuticals, palm oil, cocoa, at rubber.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

“President Donald Trump authorised the tariff exemption measures, reversing an earlier imposition of a reciprocal 19% retaliatory tariff that had affected the nations,” saad sa ulat ng The Nation Thailand.

Dagdag pa rito, “The approval, reported by the news agency DetikFinance, means a variety of goods from the three Southeast Asian countries will now be able to enter the US market duty-free.”

Ang trade concession na ito ay maituturing umano bilang isang mahalagang hakbang ng Washington sa pagpapalalim ng kooperasyong pang-ekonomiya at pagtataguyod ng pagkakaiba-iba ng kalakalan sa buong rehiyon.