December 14, 2025

Home BALITA Politics

Barzaga, nag-aya ulit sa Forbes Park

Barzaga, nag-aya ulit sa Forbes Park
Photo courtesy: via MB

Usap-usapan ang panibagong Facebook post ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kung saan tila nag-aaya ng "People Power" sa Forbes Park sa Makati City.

Mababasa sa kaniyang post nitong Lunes ng gabi, Oktubre 13, "Balik ulit tayo sa Forbes Park mamayang 10pm!"

May hashtag itong #People Power."

Photo courtesy: Screenshot from Congressman Kiko Barzaga/FB

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Pero sa isa pang Facebook post, tila "kumambyo" ang solon.

"Wag na pala sa Forbes Park mamaya ang dami nang pulis ulit doon," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Congressman Kiko Barzaga/FB

Hindi naman tiyak kung totoo ang sinasabi ng mambabatas o biro lamang.

Noong Linggo ng gabi, Oktubre 12, isinagawa ang isang "Anti-Marcos Protest" na nagsimula sa Raha Sulayman Park, hanggang sa nagmartsa patungong Dasmariñas Village at Forbes Park.

Ayon kay Barzaga, ang layunin nito ay upang kalampagin ang mga kasamahan sa Kamara na sina Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, na nasasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Dahil sa nabanggit na kilos-protesta, sinasabing nag-deploy ng nasa 2,000 pulis sa Buendia gate ng Forbes Park para panatilihin ang kaayusan at seguridad sa lugar.