February 01, 2026

Home BALITA Politics

Liberal Party, inalmahan paninira laban kay Sen. Risa

Liberal Party, inalmahan paninira laban kay Sen. Risa
Photo Courtesy: LP, Risa Hontiveros (FB)

Ipinagtanggol ng Liberal Party (LP) si Senador Risa Hontiveros mula sa paninirang ibinabato rito.

Sa latest Facebook post ng LP nitong Linggo, Oktubre 5, tinawag nila ito hindi lang isang simpleng politika kundi isa umanong taktika.

“Ang ganitong paninira ay hindi simpleng politika. Isa itong taktika para takutin ang mga nagtatanong. Para patahimikin ang mga lider na may integridad. Para gawing leksiyon ang tapang ni Risa sa iba pang gustong magsalita,” saad ng LP.

Dagdag pa nila, “Pero hindi kami natatakot. At lalong hindi kami tatahimik. Buo ang suporta ng Partido Liberal sa mga lider-oposisyon na patuloy na nagsusulong ng katotohanan at katarungan. 

Politics

Pagpunta ni Rep. Leviste sa abroad, nais daw gamitin ng admin para mapatahimik siya sa ‘corruption issue’

Ayon sa LP, nag-ugat umano ito sa pagkamausisa ng senadora kung saan napupunta ang pera ng taumbayan at sa paggigiit nito ng pananagutan.

“She refuses to be silenced, because the truth has to be louder than the noise,” anila.

Matatandaang naglabas ng "resibo" ang broadcast-journalist na si Anthony Taberna kaugnay sa naisiwalat niyang may insertions o amyenda rin si Hontiveros sa national budget, batay sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Maki-Balita: 'Insertion ni Senator Risa Hontiveros, merong resibo!'—Anthony Taberna

Ngunit iginiit ni Hontiveros na dumaan umano sa tamang proses at aprubado sa Senado ang lahat ng kaniyang iminungkahing amyenda sa budget. 

Maki-Balita: Sen. Risa iginiit na dumaan sa tamang proseso, aprubado sa Senado lahat ng iminungkahing amyenda sa budget