December 13, 2025

Home BALITA

Hontiveros, nilinaw na wala siyang bicam insertions

Hontiveros, nilinaw na wala siyang bicam insertions
Photo Courtesy: Risa Hontiveros (FB)

Nagbigay ng paglilinaw si Senador Risa Hontiveros kaugnay sa isyu ng bicam insertions noong nakaraang taon.

Sa latest Facebook post ni Hontiveros nitong Biyernes, Oktubre 3, sinabi niyang wala umano siyang bicam insertions at hindi rin siya pumirma sa 2025 national budget.

“Wala po akong bicam insertions. Wala sa unprogrammed funds. PERIOD. Isa pa, HINDI AKO PUMIRMA sa bicam at bumoto rin ng NO sa kontrobersyal na 2025 budget,” saad ni Hontiveros.

Kaya naman hinikayat niya ang publiko na huwag maniwala sa mga pekeng balita at maling impormasyon.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Dagdag pa ng senadora, “Lahat ng iminungkahi kong amyenda sa budget  ay dumaan sa tamang proseso at inaprubahan ng Senado!” 

Kasama ni Hontiveros sa hindi pumirma ng 2025 national budget ang isa pang kasapi noon ng Senate minority na si dating Senador Koko Pimentel.

Matatandaang inulan ng kontrobersiya ang nakaraang bicam committee report matapos umugong ang mga alegasyong dagdag na budget na isiningit umano nina Romualdez para sa 2025.

Maki-Balita: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'