December 14, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

EXO, may full-group comeback bago matapos ang 2025!

EXO, may full-group comeback bago matapos ang 2025!
Photo courtesy: Kprofile

Big epic comeback ang hatid para sa mga EXO-L ng K-pop group na EXO matapos nilang ilabas ang isang cryptic teaser para sa debut track nila noon na “Mama.” 

Makikita sa ibinahagi sa X ng EXO ngayong Lunes (araw sa Pilipinas), Setyembre 8 ang isang larawang nagpapakita ng ng “cosmic imagery” patungkol sa naging debut track ng EXO na Mama noong 2012. 

“When we become true one, a new world awakens,” nakapaskil sa larawang inupload ng EXO. 

Nakasaad sa larawan na ibinahagi ng EXO na mangyayari ang kanilang pagbabalik sa Disyembre 2025. 

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

EXO (X)

Matapos ito ng naging huling concert tour na EXO PLANET 5 - EXplORATION ng nasabing grupo noon pang Disyembre 31, 2019 mahigit limang taon na ang nakalipas. 

Ito ang una nilang full-group reunion matapos ang military service na ginampanan ng mga miyembro ng EXO. 

Kinumpirma na rin mismo ng SM Entertainment, bumuo sa grupo ng EXO noong 2011, na mangyayari ang mga active promotions ng grupo sa pagbabalik ni Oh Se-hun na napabalitaang matatapos na umano ang military service ngayong Setyembre 2025. 

Wala namang kalakip na karagdagang impormasyon ang inilabas na teaser ng EXO kung magkakaroon ba sila muli ng bagong kanta o may gaganaping pagtatanghal sa panibagong concert nila nang magkakasama. 

Samantala, hindi naman magkandamayaw ang mga EXO-L sa buong mundo sa inilabas na balita ng pagbabalik ng EXO. 

Umabot na 20 milyon ang bilang ng views ng nasabing post ng grupo matapos lamang ang mahigit 13 oras ng kanilang pagkaka-post ng anunsyo sa  X. 

Sa ngayon, binubuo ang EXO ng siyam na mga miyembro na sina Xiumin, Suho, Lay, Baekhyun, Chen, Chanyeol, D.O., Kai, and Sehun.

Mc Vincent Mirabuna/Balita