Naglabas ng pahayag ang Kamara kaugnay sa panawagang labanan ang laganap na korupsiyon sa Pilipinas.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez nitong Biyernes, Setyembre 5, tinatanggap at iginagalang niya raw ang matibay na pahayag ng mga civil society at business community para manawagang wakasan ang korupsiyon sa gobyerno.
“Their concern echoes the very principles of transparency, accountability, and integrity that the House of Representatives has committed to uphold,” saad ni Romualdez.
Kaya naman iginiit niyang hindi umano kukunsintihin ng Kamara ang anomang uri ng korupisyon sa alinmang espasyo ng serbisyo ng pamahalaan.
“The House of the People will never condone corruption, whether in public works, local governance, or any other area of government service,” anang House Speaker.
Dagdag pa niya, “Allegations of wrongdoing must be investigated thoroughly and addressed decisively. I fully support initiatives for independent scrutiny and fair prosecution to ensure that those who betray public trust are held accountable under the law.”
Sa ilalim umano ng 20th Congress, nagpasya umano ang Kamara na magsagawa ng mga hakbang upang ipakilala ang mga reporma sa proseso ng budget upang maibalik ang tiawala ng publiko.
In the 20th Congress, we have taken decisive steps to introduce reforms in the budget process to restore public trust and strengthen accountability. Among these reforms are:
Kabilang na rito ang mga budget hearing at bicameral deliberation na bubuksan sa publiko upang tiyakin kung saan mapupunta ang buwis ng mga Pilipino.
MAKI-BALITA: Pagsasapubliko ng bicam conference, para sa tiwala ng taumbayan—Romualdez
Matatandaang inulan ng kontrobersya ang nakaraang bicam committee report matapos umugong ang mga alegasyong dagdag na budget na isiningit umano nina Romualdez para sa 2025.