Inamin ng social media personality na si Bea Borres na sumagi sa isip niyang ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya.
Sa latest episode ng "Toni Talks" nitong Linggo, Agosto 23,sinabi ni Bea na sumadya siya sa isang clinic sa Amerika para isagawa ang nasabing medical procedure.
Ayon kay Bea, may takot naman talaga siya sa Diyos.
"Pero no'ng time na 'yon," aniya, "I'm really questioning everything na, 'Bakit gano'n? Ulila na nga 'yong title ko bibigyan Mo pa ako ng bagong title, The Single Mom?'"
Ngunit sa gitna ng preparasyon at paghihintay niya para maipalaglag ang bata, biglang dumating ang nurse para sabihing hindi niya maaaring ituloy ang operasyon.
"So, unang pumasok sa isip ko, 'Iba ka talaga, ha. Parang nagpapakita ka talaga. [...] May reason naman pero mas tinake ko siya na sign, e."
Matatandaang kamakailan lang ay naging sentro ng intriga si Bea matapos niyang magpakita ng tiyan sa isa mga TikTok video niya para patunayang walang lamang bata ang sinapupunan niya at hindi siya nagpalaglag.
MAKI-BALITA: Bea Borres nag-flex ng tiyan sa gitna ng 'buntis' at 'nagpalaglag' issue
Ngunit kinumpirma rin niya noong Agosto 12 na totoong buntis nga talaga siya.
MAKI-BALITA: Bea Borres, kumpirmadong buntis!
Samantala, sa isang bahagi ng panayam, isiniwalat na ni Bea ang magiging pangalan ng kaniyang baby girl.
MAKI-BALITA: Bea Borres, isiniwalat magiging pangalan ng anak